Sunday, April 4, 2021

Resbakuha: Kasangga ng Bida






Batay sa DM 2021-0999 Interim Omnibus guidelines for the implementation of the National Deployment Plan for COVID-19


Resbakuha

Kasangga ng Bida


Hindi

- may edad na mas mababa sa 18 taong gulang

- may malubhang allergy matapos tumanggap ng unang dose ng bakuna

- may allergy sa Polysorbate, Polyethylene Glycol / Peg, o iba pang sangkap ng bakuna


Magparehistro.  Pero ipagpaliban muna ayon sa payo ng doktor

- may exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng Covid-19 sa nakaraang 14 na araw

- dating ginamot para sa Covid-19 sa nakaraang 90 na araw

- mga buntis na nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis

- may alinman sa mga sumusunot na sintomas: lagnat / panginginig dahil sa lamig, sakit

  ng ulo, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, panghihina,

  kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes

- nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw

- ginamot o nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa Covid-19

  nitong nakaraang 90 na araw


Kailangan ng Medical Clearance mula sa doktor

- Autoimmune Patient

- Human Immunodeficiency Virus (HIV) Patient

- Cancer Patient

- Organ Transplant Patient

- Nakaratay na lang sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning

- Kasalukuyang umiinom ng Steroids


Oo, subalit kailangan ng karagdagang pag-iingat

- May problema sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng anti-coagulants

- May malubhang allergy

- May alerhiya sa pagkain, itlog o gamot

- May hika


* Para sa mga taong may ibang sakit bukod sa mga nabanggit, maaaring kumunsulta sa inyong

doktor para maipaliwanag ang benepisyo (benefits) at peligro (risks) ng pagpapabakuna ayon

sa inyong karamdaman


www.doh.gov.ph

FB: /officialDOHgov

Twitter: @DOHgovph

Viber: DOH Philippines

No comments:

Post a Comment